FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON EBOLA RESTON STRAIN
from www.doh.gov.ph1. What is Ebola Reston strain?
Ebola virus has four subtypes, namely, Ebola Zaire, Ebola Sudan, Ebola Ivory Coast, and Ebola Reston.
Subtypes Zaire, Sudan and Ivory Coast can cause hemorrhagic symptoms, Reston does not.
Reston was previously found among Philippine monkeys in 1989, 1990, 1992, and 1996. The virus was found in sick pigs in the Philippines for the first time in 2008. It has not been found in any other country or animal.
2. Does it affect humans?
Unlike the three subtypes, there has been no evidence that Reston can cause significant illness in humans. When Reston was previously found in monkeys, few animal handlers were infected but only one had very mild symptoms.
3. Is it safe to eat pork?
Yes, if the meat is prepared safely and cooked thoroughly.
All meat should always be cooked properly until no pink meat and juices run clear and good kitchen hygiene should always be used when handling raw meat.
Proper cooking of meat inactivates viruses including Reston.
4. Is it safe to eat sick pigs?
Meat from sick pigs or pigs found dead should never be eaten. Sick and dead animals should be reported to the Bureau of Animal Industry and the National Meat Inspection Service of the Department of Agriculture.
5. How would we know if the pork being sold in the market is safe or not?
The public should buy meat only from meat stalls with certification from the National Meat Inspection Service of the Department of Agriculture.
6. What should be done when sick pigs are found?
Immediately report this to the nearest Provincial/ City/ Municipal Veterinary Officers. NMIS officers or Meat Inspectors shall not allow the slaughtering of any sick or dead pigs.
7. What is the government doing to address the issue?
DA and DOH are conducting simultaneous surveys to know the extent and public health implications of the finding of Reston in pigs.
Recent testing of healthy pigs in previously affected areas is now negative for the virus. No human has been infected.
DA continues to monitor occurrences of unusual pig illnesses and deaths.
DOH will also continue to monitor the situation. DOH will institute measures to reduce possible risks to human health as the DA reports unusual pig illnesses and deaths.
8. How can we keep food safe?
Keep clean
- Wash your hands before handling food and during food preparation
- Wash and sanitize all surfaces and equipment used for food preparation
- Protect kitchen areas and food from insects, pests and other animals
Separate raw food and cooked food
- Separate raw meat, poultry and seafood from cooked food
- Use separate equipment and utensils such as cutting boards for handling raw food
- Store food in containers to avoid contact between raw and prepared foods
Cook food thoroughly
- Cook food thoroughly especially meat, poultry, eggs and seafood
- Bring foods like soups and stews to boiling to make sure that they have reached 700C. Make sure that meat juices are clear, not pink.
- Reheat cooked food thoroughly
Keep food at safe temperatures
- Do not leave cooked food at room temperature for more than 2 hours
- Refrigerate promptly
- Do not store food too long even in refrigerator
- Do not thaw food frozen food at room temperature
Use safe water and raw materials
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA EBOLA RESTON STRAIN
1. Ano ang Ebola Reston strain?
Ang Ebola Reston strain ay isa sa limang uri ng Ebola virus. Ang ibang uri ay Ebola Zaire, Ebola Sudan, Ebola Ivory Coast at Ebola Bundibugyo. Ang apat na uri na ito ay nagmula sa Africa.
Ang mga virus na ito, Ebola Zaire, Sudan at Bundibugyo ay naisasalin sa tao at nagiging dahilan ng lubhang pagkakasakit at pagkamatay ng marami. Samantalang ang Reston ay hindi. Ang karaniwang sintomas nito ay lagnat.
Ang Reston strain ay nakita na sa mga unggoy sa Pilipinas noong 1989, 1990, 1992 at 1996. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang virus na ito ay nakita sa mga baboy sa Pilipinas ngayong 2008. Wala pang nadiskubre na ganitong uri ng virus sa ibang bansa o sa ibang hayop man.
2. Nakakaepekto ba ito sa tao?
Wala pang naitalang tao na nagkasakit ng malubha dahil sa Reston strain. Noong matuklasan ang virus na ito sa mga unggoy, may mga ilang tagapag-alaga ng unggoy na naitalang naapektuhan subalit isa lamang ang kinakitaan ng bahagyang sintomas.
Negatibo naman ang resulta ng pagsusuri ginawa ng Research Institute for Tropical Medicine sa ilang tao na nag-alaga at nagkatay ng baboy kung saan natagpuan ang Reston strain.
3. Ligtas bang kumain ng baboy?
Oo, kung ang baboy ay hinanda ng maaayos at nilutong mabuti.
Ang lahat ng karne ay dapat na lutuing mabuti hanggang ito ay hindi na mamula-mula o kulay rosas o pink. Dapat din na ang katas nito ay malinaw na.
Ang tamang paghahanda at pagluluto ay nakapapatay ng mga virus kasama na ang Reston.
4. Ano ang dapat gawin sa mga baboy na may sakit?
Agad itong ipaalam or ireport sa pinakamalapit na Provincial/City/ Municipal Veterinary Officers.
Mahigpit na ipinagbabawal ng mga National Meat Inspection Service (NMIS) officers o Meat Inspectors ang pagkatay ng may sakit o patay na baboy.
5. Ligtas bang kainin ang may sakit na baboy?
Hindi. Ang mga may sakit at namatay na baboy ay hindi ligtas kainin dahil maaari itong makaapekto sa kalusugan ng tao.
6. Paano malalaman kung ang baboy na mabibili sa palengke ay ligtas?
Pinapayuhan ang lahat na bumili lamang ng baboy sa mga tindahan na mayroong sertipikasyon mula sa National Meat Inspection Service ng Kagawaran ng Agrikultura.
7. Ano ang ginagawa ng pamahalaan sa problemang ito?
Patuloy na binabantayan ng mga Kagawaran ng Agrikultura at Kalusugan ang sitwasyon.
Sabay na nagsasagawa ng pag-aaral ang dalawang ahensya upang malaman ang epekto ng pagkakatuklas ng Reston strain sa baboy at sa tao.
Binabantayan ng Kagawaran ng Agrikultura kung may hindi karaniwang pagkakasakit at pagkamatay ng mga baboy.
Sakaling may ganitong sitwasyon, Ang Kagawaran ng Kalusugan naman ay magpapatupad ng mga hakbangin upang mapangalagaan ang kalusugan ng tao.
8. Paano mapananatiling ligtas ang pagkain?
• Panatilihin ang kalinisan
- Maghugas ng kamay bago humawak ng pagkain at sa paghahanda ng pagkain.
- Hugasan at linisin ang lugar ng paghahandaan ng pagkain at mga kagamitan sa pagluluto.
- Siguraduhing walang langaw, ipis, daga at iba pang mapinsalang hayop sa kusina at hapag kainan.
• Paghiwalayin ang luto at di-lutong pagkain
- Ihiwalay ang hilaw na baboy, manok at lamang dagat sa mga lutong pagkain.
- Gumamit ng mag-kaibang sangkalan (cutting board), kutsilyo at iba pang kagamitan para sa luto at hilaw na pagkain.
- Ilagay sa magkaibang lalagyan ang mga hilaw at lutong pagkain.
• Lutuing mabuti ang pagkain
- Lutuing mabuti ang pagkain lalo na ang mga karne, manok, itlog at lamang dagat
- Pakuluang mabuti ang mga sabaw at nilagang pagkain. Siguraduhing ang karne ay hindi na mamula-mula o kulay rosas o pink. Dapat din na ang katas nito ay malinaw na.
- Initin ng mabuti ang lutong pagkain
• Panatilihing nasa ligtas na temperatura ang pagkain
- Huwag iwanan ang lutong pagkain sa lamesa ng mahigit sa dalawang oras
- Kaagad itong ilagay sa refrigerator
- Huwag din itong hayaang magtagal sa refrigerator
- Palambutin o lusawin lamang ang frozen food mula sa freezer sa loob din ng refrigerator.
• Gumamit ng malinis at ligtas na tubig